MAY PINAGKATANDAAN BA SI IMEE? (A Birthday Appreciation Post)
(Unang pinost namin noong November 12, 2018
Last month pa, nagsi-celebrate na si Imee ng birthday n'ya. Pero ngayon ang totoong kapanganakan n'ya: 12 November 1955; 63 na s'ya. Ipinanganak siya sa Mandaluyong, hindi sa Malacañang gaya nang pinapalabas sa komiks n'ya.
Sampung taon na si Imee nang maging presidente ang ama n'ya noong 1965. Nang nag-martial law, 16 anyos na siya. Pero ano ang sinabi n'ya? "Ang liit-liit ko pa nu'n." (
Totoong adjustable ang edad ni Imee. Noong April 15, 1975, sa bisa ng PD 684 tinayo ni Macoy ang Kabataang Barangay. Ang p'wedeng miyembro: 15-18 years old. Edad ni Imee noon: 19 years, 5 months, 3 days.
February 28, 1977, inadjust ulit ni Macoy ang edad para mag-KB sa bisa ng PD 1102: hindi dapat lagpas sa 21 anyos. Edad ni Imee noon: 21 years, 3 months, 16 days. At siya pa ang naging national chairman. Posisyon na hinawakan n'ya hanggang 1986. Forever 21 si Imee for one decade.
21 years, 9 months, 19 days si Imee nang tinanong siya ni Archimedes Trajano kung dapat ba talagang ang anak ng presidente ang maging pinuno ng KB. Nairita si Imee. Binugbog hanggang sa mapatay ng mga bodyguard n'ya si Archimedes Trajano.(
62 years, 9 months, 13 days si Imee nang mag-reunion siya at ang mga KB noon sa loob ng UP, kasama ang UP President na dating KB rin noon ( Sumayaw sila ng "Rock Baby Rock." August 25 'yung kanilang reunion. August 31, 1977 nang huling nakitang buhay si Archimedes Trajano. (
Sources:
Super Radyo DZBB 594khz. "LIVE sa DZBB: Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at former Sulu Rep. Nur-Ana "Lady Ann" Sahidulla sa “Ikaw Na Ba? The Senatorial Interview 2019." Facebook video. 53:17. January 22, 2019.
The Dolly Dots. 1983. "She's a Liar." By Peter Van Asten, Richard du Bois and Peter Schon. On Display, WEA 24.0249-1, LP, 1983.
0 Comments